Nation

175,000 TABLETS NA IPAMAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA QC HIRAM LANG

/ 29 August 2020

NAGULAT at natawa ang ilang netizens nang malamang ipahihiram lang pala ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga tablet na ipamamahagi nito para sa distance learning ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Hindi katulad sa Maynila na bibigyan ang kada bahay na may estudyante ng isang tablet, ipahihiram lang umano ang 175,000 na Samsung Tablets na binili ng pamahalaang lungsod.

Dahil sa gulat matapos na mabasa ang balita, sinabayan na lang ng mga netizen  ang nasabing ulat ng ABS-CBN News sa Facebook ng mga joke.

Ang ilan sa mga sinambit ng mga netizen  ay: “Okay students ‘pag ibabalik wag kalimutan i-delete ang search history ni google baka may nadiskubre kami jan eh,” “Hiram? Samantala sa Manila bigay yan , Ano QC government pera ng taong bayan yan ngayon nyo dapat nilalabas yan,” at “Grabe na yan hiram talaga. Parang libro lang ang peg!”

Kahit may ibang natawa, may ilan din na sinuportahan ang desisyon ng QC dahil ‘government property’ naman umano ito at maaring magamit pa ng mga susunod na henerasiyon.

“Still pagmamay-ari pa rin yan ng gobyerno parang libro lang yan after the whole year kelangan din ibalik” at “Hiram po para next year may magagamit din yon incoming. Parang sa teachers lang yan, yong laptop hiram lang namin, gov’t property ika nga, kapag umalis ka na sa pagtuturo ibabalik mo rin yan,” pahayag ng ilang netizens sa comment section.

Magsisimula  ang klase mula sa Elementary hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa Oktubre 5, 2020, gamit ang blended learning.