Nation

165 SCHOOLS WINASAK NI ‘KARDING’

/ 1 October 2022

UMABOT sa 165 ang mga eskuwelahang winasak ng bagyong Karding, ayon sa Department of Education.

Nilinaw naman ni DepEd spokesperson Michael Poa na isa itong “moving number” at maaaring magbago hanggang matapos ng ahensiya ang pagsasagawa ng mas detalyadong inspeksiyon sa field.

“Ang nakikita natin na estimated cost for reconstruction or rehabilitation ng 165 schools na ito ay nasa P1.17 billion,” ani Poa.

Ipinaliwanag din niya na kapag napinsala ang mga paaralan, ang karaniwang protocol ay para sa mga paaralan na lumipat sa alinman sa distance o blendeng learning.

“Kung hindi po kaya, what we are doing now is coordinating with various local government units (LGUs) para tingnan kung meron silang temporary spaces na puwedeng ibigay sa atin na available na tulad ng mga covered court at iba pang room, kung pwedeng gamitin na pangklase ng ating mga learner,” paliwanag pa niya.