Nation

16.8M ESTUDYANTE ENROLLED NA — DEPED

NASA 16.8 milyong estudyante sa buong bansa ang nakapag-enroll na, isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29, ayon sa Department of Education.

/ 23 August 2023

NASA 16.8 milyong estudyante sa buong bansa ang nakapag-enroll na, isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29, ayon sa Department of Education.

Batay sa Learner Information System ng DepEd para sa School Year 2023-2024, may kabuuang 16,816,221 mag-aaral sa parehong pampubliko at pribadong paaralan ang nakapag-enroll na hanggang noong Agosto 21.

Naitala ng Calabarzon ang pinakamaraming enrollees na aabot sa 2,858,606.

Sinundan ito ng National Capital Region na may 2,220,470 enrollees, at Central Luzon na may 1,868,161.

Nakapagtala ng pinakamababang bilang ang Cordillera Administrative Region na may 196,884.

Tatagal ang enrollment period hanggang Agosto 26.