Nation

14 ISKUL SA DAVAO DE ORO NAPINSALA NG LINDOL

/ 4 February 2023

NASA 14 eskuwelahan sa New Bataan sa Davao De Oro ang napinsala matapos ang 6.0 magnitude na lindol, ayon sa Department of Education.

Sa ulat ng Region XI educational cluster, sinabi ng DepEd na kailangan ng P7 milyon para sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan.

Hindi nagbigay ng anumang detalye ang ahensiya kung gaano kalaki ang pinsalang natamo ng mga paaralan.

Sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na ang mga mag-aaral na apektado ng mga nasirang paaralan ay pansamantalang isasailalim sa alternative delivery mode o distance learning.

“Ang protocol po natin is that Alternative Delivery Mode or distance learning muna ang mga learners affected by schools with infrastructure damage, para hindi maantala ang pag-aaral,” sabi ni Poa sa mga reporter.

“Then provision of temporary learning spaces for schools with major infrastructure damages, while being repaired,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Poa na nais ng ahensiya na gumawa ng disaster-resilient na mga silid-aralan