132K SCHOOL BUILDINGS MAY FIRE INSURANCE MULA SA GSIS
BILANG suporta sa educational system ng bansa, bibigyan ng fire insurance ng Government Service Insurance System ang mahigit 132,000 gusaling pampaaralan ng Department of Education sa buong bansa.
Ayon sa GSIS, nagkakahalaga ang fire insurance ng P843.11 bilyon kung saan sakop ang mga paaralang masusunog at masisira ng sakuna.
Isang taon ang effectivity ng insurance na nagsimula nitong Enero 1.
Katuwang ng GSIS ang Bureau of the Treasury sa paglalatag ng insurance coverage para makapagpokus sa educational infrastructure security sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program,
Ang NIIP ay inisyatibo ng BTr na naglalayong maibigay nang tama ang comprehensive insurance protection sa critical government assets gaya ng mga paaralan, ospital, kalsada at tulay..
“With the rising frequency of natural calamities, protecting public school buildings becomes a priority of the government. Our partnership with DepEd is a step towards ensuring financial resilience in support of its MATATAG agenda,” ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso.