Nation

124TH RIZAL DAY ACTIVITIES KASADO NA

/ 29 December 2020

TULOY-TULOY ang mga aktibidad ng National Historical Commission of the Philippines para sa paggunita sa ika-124 taong kamatayan ng isa sa mga pambasang bayani ng Filipinas na si Dr. Jose Rizal.

Sa paggunita ngayong taon ay inilunsad ang temang ‘Jose Rizal: Inspirasyon sa Pagbangon at Paghilom ng Bayan’. Tampok dito ang samu’t saring aral na maaaring mahugot mula sa mga karanasan at akda ng naturang bayani na gumising sa nasyonalismong Filipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Gayundin, ipakikita rito ang mga hakbang ng pagbangon, lalo pa’t nasasadlak ang bayan sa masalimuot na suliraning dulot ng Covid19.

Nauna nang naganap ang First National Rizal Youth Leadership Institute Virtual Conference noong Disyembre 18 pati ang ‘Rizal and the Futures’ Webinar noong Disyembre 20 at Social Media Campaign ‘#BeLikeRizal’ Contest via Zoom at Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page.

Magkakaroon din ng libreng sakay sa LRT at MRT sa mismong araw ng kamatayan ni Rizal, Disyembre 30, 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Narito pa ang mga susunod na gawain:

 

Mula sa Dapitan Patungong Calamba: Mga Piling Liham ni Pepe sa Kaniyang mga Kaanak Online Series

Disyembre 26-30, 9:00 a.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Rizal sa Dapitan, Sino Ka Ba? Online Exhibit Disyembre 27, 7 p.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Slogan Making Contest

Disyembre 27, 10 a.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Short Prayer and Floral Offering

Disyembre 29, 6 a.m.

Rizal National Monument, Rizal Park

 

124th Anniversary of the Martyrdom of Jose Rizal Virtual Symposia and Announcement of the National Poster Making Contest Winners

Disyembre 29, 8-11 a.m.

Department of Education Facebook Page

 

Thought on Dr. Jose Rizal’s Travels Overseas Webinar

Disyembre 30, 4 p.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Simultaneous Rizal Day 2020 Commemorative Rites

Disyembre 30, 7 a.m.

 

Short Prayer and Floral Offering

Disyembre 30, 8 a.m.

Rizal National Monument, Rizal Park

 

Retracing the Last Footsteps of Dr. Jose Rizal From Fort Santiago to Luneta

Disyembre 30, 5 a.m.

 

Rizal in Wilhelmsfeld Online Lecture

Disyembre 30, 10 a.m.

Museo ni Jose Rizal Fort Santiago Facebook Page

 

Rizal’s Views on the 19th Century Philippines Economy Webinar

Disyembre 30, 2 p.m.

Museo ni Jose Rizal Calamba Facebook Page

 

Remember Dr. Rizal: A Cultural Tribute to the National Hero

December 30, 2:00PM

 

‘Maging Magiting’ Digital Conference

December 30, Ayala Foundation Facebook Page

 

Brain and Brawn: Jose Rizal Was An Example of Both Webinar

Disyembre 30, 5 p.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Baybayin Ating Tuklasin Webinar

Disyembre 30, 10 a.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Audio-Visual Presentation ‘Pagtula ng Mi Ultimo Adios’

Disyembre 30, 8 p.m.

 

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

‘Gunita ng Bayaning Exilo’ Museum Virtual Tour Disyembre 30, 6 p.m.

Museo ni Jose Rizal Dapitan Facebook Page

 

Bukod sa mga nabanggit ay inaasahang marami pang mga indibidwal na gawaing magpapakita ng angking husay, kabayanihan, at pagkamakabayan ni Rizal at ng iba pang mga bayaning lumaban para sa kalayaan at kasarinlan ng Filipinas.

 

Ang NHCP ay pinangungunahan ni Chairman Dr. Rene Escalante, kasama si Executive Director Restituto Aguilar.