1,212 SCHOOLS GAGAWING QUARANTINE FACILITIES
INIHAYAG ng Department of Education na mahigit isang libong eskuwelahan sa buong bansa ang gagamitin bilang temporary facilities para sa mga pasyenteng may Covid19.
INIHAYAG ng Department of Education na mahigit isang libong eskuwelahan sa buong bansa ang gagamitin bilang temporary facilities para sa mga pasyenteng may Covid19.
“Sa latest report natin ay ang number of schools na amin nang itinurn-over para sa isolation, vaccination or whatever health activity, 1,212 schools na at saka 6,148 classrooms,” sabi ni Education Secretary Leonor Briones sa Laging Handa briefing.
Ayon sa kalihim, rerebyuhin pa ito ng kanyang ahensiya, ng lokal na pamahalaan at ng Department of Health kung angkop ang mga ito na gamiting quarantine facilities.
“Kailangan ay papasa sa requirements ng Department of Health dahil ayaw natin na ma-expose kung sino man ang nandiyan sa loob ng eskuwelahan at this time,” sabi ni Briones.
Dagdag ng kalihim, may mga non-classroom facilities katulad ng gymnasiums at school grounds na ginagamit din bilang quarantine areas.
“Ang sabi lang namin, huwag ihalo iyong mga iba’t ibang klaseng health activities, huwag ihalo sa academic activities,” wika ni Briones.
Sa naturang bilang, 422 ang gagamitin sa Region VIII bilang quarantine areas, habang 216 naman ang sa Region V.
“Dito sa Metro Manila, actually, apat pa lang ang ginagamit na eskuwelahan,” sabi ni Education Undersecretary for Administration Alain Pascua.
“Bakit ganyan, bakit mas marami sa ibang region kaysa sa NCR eh sa NCR mataas ang surge? Mas marami ho kasing facilities dito ang ating mga hospitals at ang iba pang mga facility na ginagamit dahil low priority iyong school sa paggamit kaya dito sa NCR ang naitala ay ganyan lang kababa,” paliwanag niya.