120 ISKUL TARGET PARA SA PILOT RUN NG F2F CLASSES
NASA 120 paaralan ang posibleng payagang magsagawa ng face-to-face classes sa darating na pasukan, ayon sa Department of Education.
NASA 120 paaralan ang posibleng payagang magsagawa ng face-to-face classes sa darating na pasukan, ayon sa Department of Education.
“We are informed that DOH [Department of Health] has announced 120 schools planned for pilot face-to-face, subject to approval by President,” sabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Ayon kay Malaluan, mas mataas ang bilang na ito sa 100 paaralan na iprinisinta nila sa Senado kamakailan.
Base, aniya, ito sa hiniling ni DepEd Secretary Leonor Briones para sa karagdagang alokasyon para sa mga pribadong eskuwelahan.
Dagdag pa niya, pumayag na ang DOH sa karagdagang 20 pribadong paaralan.
“No identified private schools yet; we will disclose the process upon approval of the Joint DepEd-DOH guidelines,” wika ni Malaluan.
Kamakailan lang ay sinabi ng DepEd na nakahanda na sila para sa pilot implementation ng face-to-face classes sakaling aprubahan na ito ng Pangulo
Tapos na umano ang guidelines para sa 100 eskuwelahan sa mga lugar na mababa ang kaso ng Covid19.