11K TEACHERS BAKUNADO NA VS COVID19
NASA 11,000 guro na nabibilang sa A1, A2, at A3 categories ang nabakunahan na laban sa Covid19.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, humigit kumulang 11,000 teachers ang naturukan na ng bakuna base sa priority list.
“Base sa ating nakuhang impormasyon, mayroon na tayong humigit kumulang 11,000 na po na mga nabakunahan ayon po ito sa prioritization pero may mga ongoing pa po,” sabi ni Mateo.
Gayunman, sinabi niya na ang vaccination ng priority group ay nakadepende sa suplay ng bakuna.
“Siyempre depende sa supply ng vaccines, ina-assure natin na kasama sa priority ang mga guro.”
Ang mga guro ay kabilang sa mga indibidwal na nakalinyang bakunahan kasunod ng medical frontiliners, senior citizens, at persons with comorbidities.