114 NAGTAPOS NG TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS
MAY 114 mag-aaral ang nakapagtapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa naturang bilang, 36 ang nakakumpleto ng Japanese Language and Culture I habang 12 sa Japanese Language and Culture II program. Labinlima naman ang natapos ang Korean Language and Culture I.
Samantala, 16 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa housekeeping, 15 para sa food and beverages services, at 20 para sa barista.
Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees.
Ang mga residente ay maaaring mag-aral nang libre sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng assessment exams para sa isang bayarin, depende sa kukunin nilang kurso.
Nagpapatuloy ang enrollment para sa mga kursong Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food processing NC II.
Available din ang Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture I at Korean Language and Culture I.