100 LET EXAMINEES NAGPOSITIBO SA COVID19 ANTIGEN TEST, ‘DI PINAYAGANG MAG-EXAM
HINDI pinayagang mag-exam ang 100 Licensure Examination for Teachers examinees nitong Linggo makaraang magpositibo sa Covid19 antigen test.
HINDI pinayagang mag-exam ang 100 Licensure Examination for Teachers examinees nitong Linggo makaraang magpositibo sa Covid19 antigen test.
Ayon kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Cauayan Schools Division Superintendent, hindi kasama ang naturang mga examinee sa opisyal na listahan ng 1,500 aspiring teachers na kumuha ng pagsusulit sa Cauayan City National High School at Cauayan North Central School.
Dinala ang mga nagpositibo sa isolation units ng mga eskuwelahan at kinuha ng mga health worker mula sa kanilang local government units para sa quarantine.
Hindi na sila isasailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction test na nagkukumpirma kung ang isang pasyente ay may Covid19 o wala.
“It is saddening to know that they would not be allowed to take the examination. However, they will be rescheduled in next batches of examinees,” ayon kay Gumaru.
Siniguro naman ni Gumaru na fully vaccinated ang mga guro na watchers sa LET.