Nation

10 SCHOLARSIP SLOTS INILAAN NG ICCT COLLEGES SA CAINTA STUDENTS

/ 28 June 2021

NAGBIGAY ng 10 scholarship slots ang ICCT Colleges sa mga taga-Cainta, ayon kay Mayor Kit Nieto.

Sinabi ng alkalde na unang nagkaloob ng limang slots ang ICCT pero ginawa itong 10 alinsunod sa kanyang kahilingan upang mas maraming mahihirap ang makapag-aral nang libre sa kolehiyo bagama’t wala ring bayad ang pag-aaral sa LGU-run One Cainta College.

“Binibigyan ako taon-taon ng 5 slots sa ICCT para sa mga estudyanteng puwedeng mag-full scholar. Nagkita kami last week ng may-ari at hiningi kong doblehin ang numero. Daming hirap ngayon. Pinagbigyan naman ako,” sabi ni Nieto.

Nanawagan ang alkalde sa mga interesadong indibiduwal na magtungo lamang sa kanyang opisina para mag-apply sa nasabing scholarship.

“Sampung full scholars na ang ipadadala ng Cainta sa ICCT para makapag-aral nang libre ngayong taon. Kung interesado ka, comment ka lang dito tapos papiliin ko base sa qualification,” aniya.

“Sa mga hindi palarin, paalala ko lang, may saril tayong One Cainta College,” dagdag pa alkalde.