10 EXTENSION CAMPUS NG STATE UNIVERSITY SA PAMPANGA PINAGAGAWANG REGULAR CAMPUS
ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na gawing regular campus ang mga extension campus ng Don Honorio Ventura State University sa 10 munisipalidad sa lalawiagn ng Pampanga.
Sa Senate Bill 1862, nais ni Lapid na maging regular campus na ang mga extension campus ng DHVSU sa mga bayan ng Sto. Tomas, Porac, Lubao, Candaba, Apalit, Mexico, Sta. Rita, Floridablanca, Guagua at Sasmuan.
“These municipalities provide annual funding for expenses related to the operation of these extension campuses to include payment of personnel services, construction and improvement of academic buildings and support facilities,” pahayag ni Lapid sa kanyang explanatory note.
Idinagdag pa ng senador na dekalidad at accessible na edukasyon ang ibinibigay ng mga extension campus ng unibersidad sa kani-kanilang lokalidad at kalapit na lugar, partikular para sa mahihirap subalit deserving na estudyante.
“DHVSU has greatly helped in improving the economic status of the people of Pampanga, by providing its constituents with the opportunity to avail of free and quality education through university’s curriculum in education, computing studies, engineering and architecture, industrial technology, business administration, environmental science, among others,” dagdag pa ng senador.
Binigyang-diin ni Lapid na kung magiging regular ang mga extension campus ay mas malawak ang oportunidad ng unibersidad na makapagbigay ng libre at dekalidad na edukasyon sa mamamayan ng Pampanga.
Ito ay sa pamamagitan ng tiyak at nararapat na budgetary support mula sa taunang General Appropriations Act na magbibigay-daan para sa improvement ng pasilidad at serbisyo.
Bukod dito, magkakaroon na rin ng pondo ang mga campus para sa sarili nilang imprastraktura, laboraty equipment at iba pang mahahalagang pasilidad para sa pagsasaayos ng kalidad ng pagtuturo.