‘VOTE BUYING’ SA BATAAN PINABUBUSISI
NANAWAGAN si senatorial bet Neri Colmenares sa Commission on Elections na agad busisiin ang alegasyon ng vote buying sa lalawigan ng Bataan.
NANAWAGAN si senatorial bet Neri Colmenares sa Commission on Elections na agad busisiin ang alegasyon ng vote buying sa lalawigan ng Bataan.
Sa impormasyon, ang alegasyon ng vote buying ay nagmula kay incumbent Mariveles, Bataan Mayor Jo Castañeda laban sa Garcia political clan ng lalawigan.
“Mahalagang maimbestigahan agad ito ng Comelec national para ipakita na ‘di nila hinahayaan ang vote buying at wala silang pinapanigan,” pahayag ni Colmenares.
“I also commend Mayor Castañeda for coming out and exposing this so that more people who see election related offenses and abuses would also have the courage to stand up and report such illegal acts,” dagdag ng senatorial bet.
Sinabi ni Colmenares na sa ngayon, marami na silang natatangap na reklamo ng mga pagtatanggal at paninira ng mga poster at pagkakalat ng mga black propaganda.
Iginiit pa ng dating mambabatas na mahalagang maging mapagbantay at alerto ang mga mamamayan sa mga ilegal na gawain para manalo ang ilang kandidato.
Hinimok din niya ang publiko na agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang iregularidad upang mabilis na matugunan.