KabataanSaHalalan

TULONG SA MGA LIBLIB NA LUGAR TINIYAK NI LENI

TINIYAK ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagkakaloob ng tulong sa mga nasa liblib na lugar kapag nahalal itong pangulo sa susunod na taon.

/ 1 November 2021

TINIYAK ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagkakaloob ng tulong sa mga nasa liblib na lugar kapag nahalal itong pangulo sa susunod na taon.

“Hindi kasi politiko si VP Leni. ‘Yun ‘yung simpleng dahilan para do’n. Ang background talaga niya ay isang abogado na tumutulong sa mahirap. Sanay siya na do’n siya pupunta talaga sa kung nasaan ‘yung mga tao kahit ga’no pa kalayo,” ayon kay Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo.

Ibinahagi rin niya na pinupuntahan ni Robredo ang mga Pilipino sa malalayong lugar upang mahatiran ng tulong.

“Pagdating do’n, hindi naman gano’n kadami ‘yung mga tao. Pero hindi kasi ‘yun ‘yung habol niya. Ang habol niya dalhin ‘yung tulong kung saan kailangan,” sabi pa ni Gutierrez.

“‘Yun ang kanyang perspektibo at ‘yan ang kanyang uri ng paglilingkod, mula nung hindi pa siya pumapasok sa politika hanggang naging kongresista at itinuloy ngayon hanggang siya ay bise presidente.”

Aniya, asahan na kung mahalal si Robredo bilang susunod na pangulo ng bansa ay gagawin pa rin niya ito.

“‘Yan ang maaasahan natin kapag naging pangulo natin si VP Leni. ‘Yung gano’ng klaseng serbisyo na ang tutok kung saan ang nangangailangan, kahit ga’no kalayo, kahit ga’no kaliblib, makakaabot kasi ‘yun talaga ang kanyang pananaw sa pagse-serbisyo bilang isang bahagi ng ating pamahalaan.”