TERMINO NG ELECTED OFFICIAL SISINUSULONG NA PALAWIGIN
ISINUSULONG ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio 'Dong' Gonzales Jr. ang panukala para palawigin ang termino ng Pangulo, mga mambabatas at mga lokal na opisyal.
ISINUSULONG ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. ang panukala para palawigin ang termino ng Pangulo, mga mambabatas at mga lokal na opisyal.
Sinabi ni Gonzales na ang kasalukuyang termino ng mga halal na opisyal ay masyadong maikli lalo na sa panahon ng krisis at bahagi ng kanilang termino ay ginagamit sa reelection-related activities.
Iginiit ni Gonzales na kailangan nang amyendahan ang probisyon sa batas na ginawa matapos ang martial law era.
“A six-year tenure is too short for a good President, especially if he is confronted with a crippling crisis like Covid19 pandemic, which continues to wreak havoc on our health and economy and whose end is not yet in sight,” pahayag ni Gonzales.
“It may take more than one presidency before the nation can fully recover from this catastrophe,” dagdag ng kongresista.
Alinsunod sa Resolution of Both Houses No. 7 na inihain ni Gonzales, ang Pangulo ng bansa ay magkakaroon ng limang taong termino at maaari pang sumalang sa reelection o kabuuang 10 taon.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang Pangulo ng bansa ay papayagan lamang sa anim na taong termino at hindi maaaring mag-reelection.
“On the other hand, if we do not like the way the President is governing, we can vote him out of office a year earlier if his term of office is five years,” diin ni Gonzales.
Nais din ng mambabatas na pagbawalan ang Pangulo na kumandidato sa iba pang elective post kapag nakatapos na ito ng kanyang termino.
Nakasaad din sa panukala na gagawing limang taon ang termino ng Vice President at ang boto para sa Pangulo ay katumbas ng boto sa Pangalawang Pangulo bilang running mate.
“This would strengthen the political party system and ensure that the top two officials of the land are one in leading the nation,” paliwanag ng kongresista.
Kung maisasabatas ang panukala, mas magiging mahaba rin ang termino ng mga kongresista na magiging limang taon at mayroong reelection.
“This is true as well with a governor or city or town mayor,” dagdag ni Gonzales.