KabataanSaHalalan

SENATORIAL SLATE NG LACSON-SOTTO TANDEM 6 NA LANG

MULA sa inisyal na 15, bumaba na sa anim ang ineendorsong senatorial candidates ng tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.

/ 5 April 2022

MULA sa inisyal na 15, bumaba na sa anim ang ineendorsong senatorial candidates ng tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi ni Lacson na sa ngayon ay kasama sa kanilang senatorial lineup sina Dra. Minguita Padilla, dating Agriculture Secretary Manny Pinol, retired General Guillermo Eleazar, dating Senador JV Ejercito, Senador Joel Villanueva at dating DICT Secretary Gringo Honasan.

Ang listahan ay binanggit ni Lacson matapos ang hayagang pag-endorso ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Uniteam.

“Alam naman nila ‘yon, kung ano ‘yung consequence. Kung ayaw nila sa amin at iba ‘yung gustong dalhin, e parang awkward naman na dalhin pa rin namin sila, hindi ba? So, it’s a personal choice. No hard feelings,” pahayag ni Lacson.

“‘Di ba, may kasabihan tayo—sa mga lovers ito ha—love that is not met can reach but halfway. Ganoon ‘yon,” dagdag pa ng presidential bet.

Kasabay nito, muling tiniyak ng Lacson-Sotoo tandem na hindi sila mag-iiwanan hanggang sa huli.

“Oo, solid pa rin kami. Kung meron man kaming mga endorsement na natatanggap sa ibang grupo, gusto kaming ipares sa ibang kandidato, e ‘di… Depende sa tao rin ‘yan e. Nasa sa kanila naman ‘yan, hindi naman natin mai-expect na, ika nga, lahat ay maniwala sa sinasabi namin o sa sinasabi nila,” pahayag ni Sotto.

“Itinaga na namin sa bato ‘yon e. ‘Yon ang assurance. As early as July, or before October ano, when we finally decided to launch and then file our COCs, ‘yon na ‘yon, hindi na mababago ‘yon. Of course, may mga endorsements here and there and I’m happy for the Senate President na nakakakuha siya ng mga endorsement sa left and right. That’s good because ang victory niya, victory ko rin e,” giit naman ni Lacson.