KabataanSaHalalan

SARA DUTERTE SASABAK NA RIN SA PRESIDENTIAL RACE?

KAKANDIDATO na rin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential election, ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

/ 11 November 2021

KAKANDIDATO na rin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential election, ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Sinabi ni Salceda na nakausap niya si Mayor Sara bago ang pagbawi nito ng kanyang kandidatura bilang alkalde.

Iginiit pa ng kongresista na walang opsyon ang Davao City mayor para sa vice-presidential candidacy at hindi problema sa kanya ang magiging ka-tandem niya.

“There’s no VP option for her and picking a VP for her is not a problem,” pahayag ng kongresista.

Sinabi pa ni Salceda na pawang ispekulasyon lamang ang mga impomrasyon na kakandidato si Mayor Sara bilang running mate ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

“I’m not sure about that. Definitely that’s a speculation because she’s running for president. All these political gyrations just show she’s going toward the presidency,” dagdag pa niya.

Nanindigan din ang mambabatas na tiyak siyang magiging magaling na pangulo si Mayor Sara kung papalarin ito sa susunod na taon.

“I cannot say confirming but based on our long-running chats, kilometric chats — because I provided her with so many big data about her prospects — I think basically she will make a good president in the first place,” dagdag ng mambabatas.