KabataanSaHalalan

SARA DUTERTE NAGBITIW NA SA ‘HUGPONG’

NAGBITIW na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

/ 12 November 2021

NAGBITIW na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Ito ay dalawang araw matapos niyang iatras ang kanyang kandidatura sa pagka-mayor ng Davao City.

Sinabi ni HNP secretary general Anthony del Rosario na nagbitiw na si Duterte-Carpio bilang chairperson ng HNP.

“It is with profound sadness that I hereby tender my resignation from our beloved party. My support will always be with you and I will always be grateful for all the things you have taught me,” nakasaad sa liham ni Duterte-Carpio sa partido.

Maaari pang maghain ng kandidatura para sa mas mataas na posisyon si Duterte-Carpio hanggang Nobyembre 15.

Matatandaang noong November 9 ay nag-withdraw sa reelection bid si Duterte-Carpio para sa 2022 elections.