ROBREDO ‘DI AATRAS SA ANUMANG PANAYAM
SINABI ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nakahanda siya sa anumang panayam.
SINABI ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nakahanda siya sa anumang panayam.
Ginawa ni Robredo ang pahayag bagaman hindi niya napaunlakan ang interbyu ng DZRH.
Ayon kay Robredo, may conflict sa kanyang iskedyul ang panayam kaya hindi ito natuloy.
Pero, aniya, handa naman siya kung ire-reschedule ang nasabing interbyu.
“Ang totoo, I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved. ‘Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up,” ani Robredo.
“Actually puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, i-set na natin. Handa naman ako lagi na humarap,” dagdag pa niya.
Kamakailan ay umani ng batikos si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos na hindi magpaunlak sa interview sa GMA dahil sa pagiging ‘bias’ umano ng host nito na si veteran journalist Jessica Soho