KabataanSaHalalan

RANDOM DRUG TEST SA MGA KANDIDATO ISINUSULONG NI LACSON, SOTTO

PABOR sina runningmates Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa ipinapanukalang pagsalang ng mga kandidato sa drug test.

/ 30 October 2021

PABOR sina runningmates Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa ipinapanukalang pagsalang ng mga kandidato sa drug test.

Katunayan, sinabi ni Sotto na noong binabalangkas pa lamang nila ang Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002, isinama niya sa probisyon ang pagsasailalim sa drug test ng mga sasabak sa eleksiyon.

Gayunman, ipinaliwanag ni Sotto na hindi nakapasa sa pagbusisi ng Korte Suprema ang probisyon at idineklara itong unconstitutional.

“I placed that in the law I authored, RA 9165, the Dangerous Drugs Act of 2002. SC shot it down as unconstitutional. I do it voluntarily instead every elections,” pahayag ni Sotto.

Sa panig ni Lacson, binigyang-diin niya na mas makabubuti kung ang gagawin ay random testing upang mas maging kapani-paniwala.

Sinabi ni Lacson na sa kanyang impormasyon, nawawala sa katawan ng tao ang drug toxins sa loob lamang ng 72 oras.

“I have never been addicted to drugs all my life, so I have no problem with that. In fact we should all undergo random testing to make it more credible. I understand drug toxins may dissipate after 72 hours,” diin ni Lacson.