PH FLAGS ITINAAS NI LACSON SA WEST PH SEA
MATAPOS kondenahin ang panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa tropa ng Pilipinas, personal na bumisita si Senador Panfilo Lacson sa Pagasa Island na bahagi ng Spratlys archipelago na inaangkin ng China.
MATAPOS kondenahin ang panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa tropa ng Pilipinas, personal na bumisita si Senador Panfilo Lacson sa Pagasa Island na bahagi ng Spratlys archipelago na inaangkin ng China.
Pinangunahan ni Lacson ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Pag-asa Island bilang simbolo ng kanyang pakikiisa sa mga Pilipinong naninirahan sa isla.
Tatlong bandila ng Pilipinas ang itinaas ng presidential aspirant na ipinalit sa mga lumang watawat sa munisipalidad.
“It was a very significant moment. ‘Yung tipong mararamdaman mo ‘yung patriotismo mo bilang Pilipino,” pahayag ni Partido Reporma Spokesman Ashley Acedillo.
“This is a symbolic action to signify that we are firm in our commitment in defending our territory and our sovereignty and this is even against the backdrop of a looming Chinese presence,” dagdag pa ni Acedillo
Personal na kinumusta ni Lacson ang mga residente at mangingisda upang alamin ang kanilang kalagayan, saloobin, at nararanasan nila sa West Philippine Sea.
“Isa sa mga nagustuhan ko doon na pagkakataon ‘yung sinabi ni Sir Ping Lacson na maituturing pang tagapagtanggol ng ating soberanya, ng ating teritoryo ang mga nakatira na residente doon mismo sa isla,” sinabi pa ni Acedillo.
Matatandang tumaas uli ang tensiyon sa WPS nang harangin ng Chinese Coast Guard at ginamitan pa ng water cannon ang mga barkong magdadala sana ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Mariing kinondena ni Lacson at ng running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang muling pagtaboy sa mga barko ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone nito.
“Sarili na nga nating teritoryo, tayo pa ‘yung tinataboy, wina-water cannon. Napakasamang pangitain ‘yon,” giit ni Lacson.
Ang pagtungo sa isla ay bahagi ng pangako ni Lacson na pag-aaralan nang masusi ang isyu sa WPS at makakuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source para makalikha ng mas maayos na plano at solusyon na makakaresolba sa isyu hinggil sa teritoryo ng bansa.
Dagdag pa sa mga plano ng tambalan nina Lacson at Sotto para maprotektahan ang WPS ay ang pagkakaroon ng balance of power sa pagitan ng iba’t ibang bansa, na nakapanig sa ating mga layunin.