PDP-LABAN CUSI WING DESPERADO SA PAGKUMBINSI KAY PRRD NA KUMANDIDATONG SENADOR — PIMENTEL
NANINIWALA si Senador Aquilino 'Koko' Pimentel III na desperado na ang PDP-Laban Cusi faction na kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato bilang senador sa 2022 elections.
NANINIWALA si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na desperado na ang PDP-Laban Cusi faction na kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato bilang senador sa 2022 elections.
“Shows desperation on the part of Energy Secretary Alfonso Cusi and his group,” pahayag ni Pimentel.
“They give the impression that they do not have strong candidates within their group and that they are all simply riding on and are totally dependent on the popularity and strength of personality of the incumbent president,” dagdag pa ng senador.
Sinabi ni Pimentel na maituturing itong ‘personality politics’ na nais nilang tuldukan hanggang maaari.
Binigyang-diin ng senador na ang dapat gawin ng mga political party ay ang palawakin ang ‘issues-based politics’.
“The good future of our country is better assured by a program of government approved by the people through their votes than by blind loyalty to a mortal person with the expectation of a return favor,” paliwanag pa ng senador.