KabataanSaHalalan

PARTIDO REPORMA WATAK-WATAK NA

MATAPOS ang resignation ni presidential bet Panfilo Lacson, tila nagkawatak-watak na ang Partido Reporma sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

/ 30 March 2022

MATAPOS ang resignation ni presidential bet Panfilo Lacson, tila nagkawatak-watak na ang Partido Reporma sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Pinakahuling lumayas sa partido ang chairperson at 386 miyembro nito sa Parañaque City na nagpahayag ng patuloy na suporta kay Lacson.

Inanunsiyo ni Marlon Legaspi Batoon—kasalukuyang tumatakbo bilang konsehal sa ikalawang distrito ng Parañaque City—sa kanyang Facebook post nitong Martes na isa na rin siyang independent candidate makaraang kumalas sa Partido Reporma.

“I received a call from Partido Reporma call center agent named Angelina, if I will stay with Reporma as well as our members, and my response was that I will stick with Senator Panfilo Lacson and the rest of the 386 former members of Partido Reporma Parañaque,” pahayag nito.

Kasama ng kanyang buong team, ikinakampanya ni Legaspi-Batoon si Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

“Tuloy ang Laban! 5 Panfilo Morena Lacson para Presidente; 9 Vicente ‘Tito’ Sotto para Bise Presidente. Labanan ang Katiwalian! Walang Atrasan!” bahagi pa ng post ni Legaspi-Batoon.

Bukod sa kanyang mga tagasuporta sa Parañaque City, umalis din ang mga pangunahing kaalyado ng Partido Reporma sa Cavite, Bohol, Negros Oriental at Lanao del Sur.