KabataanSaHalalan

PAGBABALIK NG F2F CLASSES SUPORTADO NI CHIZ

SUPORTADO ni senatorial bet at Sorsogon Governor Francis 'Chiz' Escudero ang pagbabalik ng face-to-face classe sa buong bansa.

/ 26 March 2022

SUPORTADO ni senatorial bet at Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero ang pagbabalik ng face-to-face classe sa buong bansa.

Ito ay kasama sa 10-point policy agenda na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbangon ng bansa mula sa Covid19 pandemic.

Sinabi ni Escudero na noong nakaraang taon pa ay isinusulong na niya ang pagbabalik ng in-person classes sa mga lugar kung saan mababa ang kaso ng Covid19.

Inihalimbawa pa ng gobernador ang lalawigan ng Sorsogon na walang naitalang Covid19 sa mahigit 55 percent ng mga barangay.

Binigyang-diin ni Escudero na lumilitaw rin sa mga pag-aaral na hindi epektibo ang online learning.

“Sang-ayon at suportado ko ang kautusang ito ni Pangulong Duterte sa panunumbalik ng face-to-face classes sa buong bansa. Higit sa economic recovery, ito ang tamang direksiyon at solusyon upang muling matutukan ng ating mga guro ang maayos na pag-aaral ng ating mga estudyante,” pahayag ni Escudero.

“Umaasa tayo na sa pagbabalik sa classrooms ng mga mag-aaral ay makahabol sila, muling makasabay at hindi na mapag-iiwanan ng mga estudyante sa ibang bansa na matagal nang nagbalik-paaralan,” dagdag ng gobernador.