KabataanSaHalalan

PADRINO SYSTEM WALANG PUWANG KAY LACSON

WALANG puwang ang padrino system sa magiging opisyal na pamilya ni Partido Reporma standard- bearer Panfilo Lacson sa sandaling mahalal siya sa 2022 elections.

/ 25 October 2021

WALANG puwang ang padrino system sa magiging opisyal na pamilya ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson sa sandaling mahalal siya sa 2022 elections.

Ayon kay Ashley Acedillo, spokesperson ng partido, tanging ang may kakayahan o competent na indibidwal ang ilalagay ni Lacson sa kanyang Gabinete.

Tiniyak din niya na hindi magluluklok si Lacson ng mga retiradong pulis at sundalo dahil lamang sa mga naging kasamahan niya ang mga ito sa Philippine Military Academy at the Philippine National Police.

“One thing he made clear — and he has said this repeatedly — ang numero uno niyang batayan kung sino ang ilalagay niya sa isang posisyon ay ang kakayahan, kasama na diyan ang katapatan, at siyempre ang katapangan,” pahayag ni Acedillo.

Idinagdag pa ni Acedillo na kapareho rin ito ng prinsipyo ni Senate President Vicente Sotto III, at inaasahan na magiging batayan sa mga isasama niya sa kanyang Gabinete, partikular na sa mga mabibigat na posisyon.

Ipinaliwanag naman ni Acedillo na bukas si Lacson na makatrabaho ang mga highly qualified invididual, maging galing man ang mga ito sa civilian sector o sa militar, ang mahalaga ay makatulong ito sa pagresolba ng mga suliranin ng bansa.