KabataanSaHalalan

PACQUIAO UNANG NAGHAIN NG KANDIDATURA SA PAGKA-PRESIDENTE

/ 1 October 2021

NAKAPAGHAIN na ng kanyang certificate of candidacy si Senador Manny Pacquiao para sa 2022 presidential election.

Nag-file na rin ng COC sa Commission on Elections si dating Manila Mayor Lito Atienza bilang vice presidential candidate ni Pacquiao.

Bago nagtungo sa Habor Garden Tent ng Sofitel, nagsagawa muna ng motorcade si Pacquiao kasama ang kanyang mga taga-suporta mula sa kahabaan ng EDSA hanggang sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Nauna naman sa mga naghain ng kandidatura sa pagka-senador si dating Senador at ngayo’y Antique Rep. Loren Legarda.

Sa hanay ng partylist, unang naghain ng COC ang Agap Partylist.

Batay sa report, nakatakdang maghain ng COC sa Lunes, October 4, si Manila Mayor Francisco Domagoso at ka-tandem na si Doc Willie Ong, habang sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ay sa October 6.