P116-B ILALAAN NI ROBREDO SA AGRI SECTOR
MAGLALAAN si Vice President Leni Robredo ng P116 bilyong pondo para sa sektor ng agrikultura kung mananalo siyang pangulo sa darating na halalan.
MAGLALAAN si Vice President Leni Robredo ng P116 bilyong pondo para sa sektor ng agrikultura kung mananalo siyang pangulo sa darating na halalan.
“So ‘yung commitment ko, ‘yung first budget na gagawin, gagawin na siya at least P116 billion. Hindi lang ‘yung total budget, pero pati rin ‘yung distribution noon… Tingnan din natin kung makatarungan ba ‘yung distribution ng buong budget,” ayon kay Robredo.
Iginiit niya na dapat tutukan ang pamumuhunan sa sektor ng agrikultura para magkaroon ng mas maraming kita ang mga magsasaka at mangingisda.
“Kasi ‘pagka sinabi nating makaturungan ba, nasaan ba ‘yung opportunities? Alin ba ‘yung most resilient na sub-sector ng agriculture? Kasi kung nasaan ‘yung opportunities, bigyan iyan natin ng mas marami, dapat bigyan natin ng mas maraming budget,” ayon kay Robredo.
“Hindi natin nabibigyan ng maraming focus ‘yung pag-budget sa mas climate-resilient na mga crops, as far as agriculture is concerned. Kasi lagi kasing tine-take into consideration natin on a per province basis, ano ba ‘yung climate conditions doon? Ano ba ‘yung klase ng lupa doon? And dapat ‘yung budget, tinitingnan ‘yun,” dagdag pa niya.