NATIONAL BROADBAND SERVICE DAPAT PALAKASIN — LACSON
UPANG matiyak ang dekalidad na distance learning at work-from-home arrangement sa pagpasok ng ‘new normal’, sinabi ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson na panahon na para palakasin ang internet service sa bansa.

“I-enhance natin ang internet service, paano mag-work-from-home, paano ang online classes kung laglag ng laglag ang signal. Mag-invest tayo sa Department of Information and Communications Technology. ‘Yung National Broadband Network maganda sana kung hindi sana nagkaloko-loko. Tapos na sana, maganda na sana ang internet service natin,” pahayag ni Lacson.
Kasabay nito, sinabi ni Lacson na kailangan na ring palakasin ang onsite work at face-to-face classes upang makabawi na ang ekonomiya mula sa negatibong epekto ng pandemya.
Muling ipinaliwanag ni Lacson na nasa P11 bilyon kada linggo ang nawawala sa gobyerno sa tuwing magpapatupad ng lockdown habang aabot sa P16 bilyon ang posibleng madagdag sa kita kapag nakabalik na ang mga empleyado sa kanilang trabaho at ang mga mag-aaral sa eskuwelahan.
Sinabi naman ng kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto na dedepende rin ang work-from-home arrangement sa mga sektor na maaari itong ipatupad.