MGA PINOY HINIKAYAT NI BBM NA TULARAN ANG KABAYANIHAN NI RIZAL
HINIMOK ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang mga Pinoy na tularan ang katapangan, katiyagaan at pagiging makabayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ayon kay Marcos, ito ang pinakamabisang sandata ng bansa para sa muling pagbangon mula sa anumang pagsubok.
“Instead of just dwelling in the accomplishments of Dr. Rizal, which paved the way for our nationhood, I am calling on every freedom-loving Filipinos to follow his vision, imitate the courage he showed in the face of great adversity, and persevere to excel in our respective endeavors because we can only grow as a nation if all of us have the same dreams and aspirations,” pahayag ni Marcos sa paggunita sa Rizal Day.
Sinabi rin niya na muling makababangon ang bansa mula sa matinding pagsubok dulot ng patuloy na pananalasa ng Covid19 at ng pagtama ng mga kalamidad kung magkakaisa ang mga Pilipino para maayos ang bansa.
“Not too long ago, a wise man said that this nation can be great again. He said it over and over and he made it his article of faith. And like him, I am telling you now… Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds,” ani Marcos.