LEGALISASYON NG ABORSIYON ‘Di LULUSOT KAY LACSON
KUNG mananalong presidente, hindi maisusulong sa administrasyon ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson ang legalisasyon ng aborsiyon.
KUNG mananalong presidente, hindi maisusulong sa administrasyon ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson ang legalisasyon ng aborsiyon.
“Unang-una enshrined sa Constitution ‘yung life ng bata sa conception, nasa Constitution. So we can’t. Paano kami magpapasa ng batas which is labag sa Constitution,” pahayag ni Lacson sa media sa kanyang pag-iikot sa Baclaran, Paranaque City.
“Buhay ‘yan maski sabihin ng ibang tao na hindi murder ‘yan. Kapag kinitil mo ang buhay ng isang sanggol, ano tawag mo doon?” dagdag ng senador.
Sinabi naman ni Dra. Minguita Padilla, senatorial bet ng Partido Reporma, na hindi aborsiyon ang solusyon sa problema sa kahirapan bunsod ng lumalaking populasyon.
Binigyang-diin ni Padilla na edukasyon ang kinakailangan para mapigilan ang paglobo ng populasyon.
“Hindi aborsiyon ang sagot doon, education, family planning at alam ninyo po ang number of children is inversely propotion sa education, ang sagot talaga dito education, ang pagpaplano ng mga anak,” dagdag ni Padilla.