KabataanSaHalalan

LDP NAKAABANG SA SUSUPORTAHAN NI PRRD

INAABANGAN na ng Laban ng Demokratikong Pilipino party ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ieendorso sa pagka-pangulo sa eleksiyon sa 2022.

/ 24 December 2021

INAABANGAN na ng Laban ng Demokratikong Pilipino party ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ieendorso sa pagka-pangulo sa eleksiyon sa 2022.

Ayon kay Senador Juan Edgardo Angara, presidente ng partido, kaalyado pa rin nila ang administrasyon kaya patuloy ang paghihintay nila sa anunsiyo ng Punong Ehekutibo.

“We’re still allied with the administration, so that’s why naghihintay rin kami sa sasabihin ni Pangulong Duterte dito sa elections,” pahayag ni Angara.

Naniniwala ang mambabatas na patuloy pa ang pagsusuri ni Pangulong Duterte sa mga kandidato at saka pa lamang pipili ng posibleng pumalit sa kanya.

“I think he’s still in the process of selecting who he would want to succeed him. Naghihintay rin kami. We will see, we’ll wait for what the President says,” dagdag ng mambabatas.

Inamin din ng senador na hindi na kalakihan ang mga miyembro ng LDP kumpara noong panahon ng kanyang yumaong ama na si dating Senate President Edgardo Angara.

“But that’s really the story of our political parties. They grow, they shrink, they grow, they shrink, depending on who is wielding the reins of power,” dagdag pa ni Angara.