KabataanSaHalalan

LALABAN TAYO: ROBREDO TATAKBONG PRESIDENTE SA 2022

TULOY na ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pinakamataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

/ 8 October 2021

TULOY na ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pinakamataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

“Lalaban ako, lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan ng 2022,” pahayag ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy bilang independent candidate sa Harbor Garden Tent sa Sofitel sa Pasay City.

Nangako si Robredo na tutuldukan ang tinawag niyang ‘old and rotten’ political system.

“Tatalunin natin ang luma at bulok na politika,” dagdag ng bise presidente.

Kasama ni Robredo sa paghahain ng COC ang kanyang mga anak na sina Tricia at Aika at ang kanyang election lawyer na si Romulo Macalintal.

“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang ating sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon,” diin ni Robredo sa kanyang pag-anunsiyo sa kanyang kandidatura/

“Kung gusto nating tunay na makalaya sa ganitong situwasyon, hindi lang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan; ‘yung korupsiyon, ‘yung incompetence, ‘yung kawalan ng malasakit, kailangang palitan ng matino at mahusay na pamumuno,” dagdag pa niya.

Batay sa impormasyon, si Senador Kiko Pangilinan ang magiging running mate ni Robredo sa eleksiyon.