KabataanSaHalalan

LACSON-SOTTO TANDEM WALANG ATRASAN

WALANG plano sina Partido Reporma standard-bearer Panfilo 'Ping' Lacson at runningmate Senate President Vicente 'Tito' Sotto III na kagatin ang panawagang 'unification' ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

/ 15 March 2022

WALANG plano sina Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at runningmate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kagatin ang panawagang ‘unification’ ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

“For the nth time, hindi kami aatras…I can’t abandon Senate President. I can’t abandon our supporters. Naghirap na sila, nainitan na sila, naghihirap sila sa pagkakampanya,” pahayag ni Lacson.

Kasabay nito, tiniyak ni Lacson na hindi siya aatras sa laban taliwas sa mga kumakalat na text messages na pinag-iisipan na niyang mag-withdraw sa kandidatura.

“Para maitsapwera ang iba, parang isip ng tao ‘ah dalawa na lang ang magkalaban.’ Of course, it’s a campaign strategy pero foul,” dagdag ni Lacson.

Kinumpirma rin ni Lacson na may emisaryo mula sa kampo ng tambalang Leni-Kiko na nagpadala sa kanila ng ‘feelers’ upang paatrasin siya sa eleksiyon at matiyak na dalawa na lamang ang maglalaban.

Sinabi ni Lacson na bago pa ang paghahain ng kandidatura, nagbigay na siya ng proposal sa kampo ni Robredo para sa pagkakaisa ng kanilang mga kampo.

Sa panukala ni Lacson, inirekomenda niya kina Robredo na gawing common candidate si Sotto sa pagka-bise presidente at pagsapit ng Abril, kung sinuman ang malakas sa kanila ay susuportahan ng iba pang kandidato.

Gayunman, iginiit ng senador na agad na ibinasura ni Robredo ang kanyang panukala na ngayon ay kanila namang isinusulong.