LACSON-SOTTO TANDEM MAGBABAWAS NG SENATORIAL BETS
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente 'Tito' Sotto III na mababawasan ang senatoriables sa kanilang lineup para sa 2022 elections.
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mababawasan ang senatoriables sa kanilang lineup para sa 2022 elections.
Una nang inihayag nina Sotto at Senador Panfilo Lacson na aabutin ng 15 ang senatorial bets na ieendorso nila para sa eleksiyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Sotto na magsasagawa sila ng ‘one on one talk’ sa kanilang mga senatorial aspirant upang malaman kung kapareho ng kanilang programa ang isusulong ng mga ito.
“Kakausapin namin sila kapag talagang nakarinig tayo na ang endorsement nila ay pareho ng programa namin, ‘yun ang ipupursige namin tulad ni Raffy Tulfo kahapon idineklara niya na si Senator Lacson ang presidential candidate niya,” pahayag ni Sotto.
Ayon kay Sotto, una nilang kakausapin ang anim na miyembro ng Nationalist People’s Coaliotion na kasama sa kanilang listahan.
Nagpahiwatig naman ang lider ng Senado na ang magreretirong si PNP chief Guillermo Eleazar ang kanilang tinutukoy na surprise senatorial candidate.
Ito ay nang sabihin niyang iaanunsiyo niya ang surprise candidate matapos ang November 13 na petsa ng retirement ni Eleazar.
“After November 13. November 13 pa siya puwede,” pahayag ni Sotto.