KabataanSaHalalan

LACSON PINAGSISISIHAN ANG PAG-ANIB SA PARTIDO REPORMA

AMINADO si presidential bet at Senador Panfilo Lacson na nagsisisi siya sa kanyang pagsali sa Partido Reporma na kinalaunan ay naglaglag sa kanya.

/ 9 May 2022

AMINADO si presidential bet at Senador Panfilo Lacson na nagsisisi siya sa kanyang pagsali sa Partido Reporma na kinalaunan ay naglaglag sa kanya.

Sinabi ni Lacson na posibleng mas nakabuti pa kung tumakbo siya bilang independent candidate simula pa nang mag-umpisa ang kampanya.

Bumitiw si Lacson sa Partido Reporma matapos iendorso ng presidente ng partido na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at ng Davao del Norte bloc ang ibang presidential candidate.

“Sana hindi na lang ako nag-Partido. I could have done better running as an independent in the first place, looking back,” pahayag ni Lacson.

“Na-miscalculate ko ang mga politicians being a long-time politician. Well, I don’t even look at myself as a politician. Hindi ko tinitingnan ang sarili ko bilang politiko kaya siguro ako—sabihin nating naisahan,” dagdag pa ng senador.

Gayunpaman, sinabi ni Lacson na wala siyang hinanakit sa nangyari.

“No heartaches, no ill feelings…after all, elections is just one day pero there are lessons learned. Ang regret ko nga lang—because this is my last run—I won’t be able to apply the lessons learned sa sarili ko. That’s my only regret,” dagdag pa ni Lacson.