KabataanSaHalalan

LACSON NAGBITIW SA PARTIDO REPORMA

GENERAL SANTOS CITY --- Nagbitiw sa Partido Reporma bilang chairman at member si presidential bet at Senador Panfilo Lacson.

/ 25 March 2022

GENERAL SANTOS CITY — Nagbitiw sa Partido Reporma bilang chairman at member si presidential bet at Senador Panfilo Lacson.

Inanunsiyo ito ni Lacson sa isang press conference dito matapos ang pag-iikot ng Lacson-Sotto tandem sa fishport at sa palengke.

Sinabi ni Lacson na ang kanyang desisyon ay kasunod ng pagpapaalam sa kanya ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na mayroon silang ibang presidential bet na susuportahan.

“Considering that it is at the behest of these top-tier officials that I was recruited as a member and the party’s standard-bearer and thereafter elected as its chairman, I believe it is only decent and proper—consistent with my time-honored uncompromising principles—to make this decision,” pahayag ni Lacson.

Aminado si Lacson na matagal na niyang napaghandaan ang ganitong sitwasyon dahil sa simula pa lamang ng kampanya ay may mga pagpaparamdam na hindi siya suportado ng partido.

Katunayan, binigyang-diin ni Lacson na sa simula pa lamang ay wala siyang tinatanggap na pondo sa partido at ang kanyang mga ginagastos ay mula sa kanyang mga dati at bagong kaibigan at tagasuporta.

Bukod dito, inihanda na rin ng senador ang kanyang mga kaibigang retired military at police officials and men na nagsisikap na mangampanya sa grounds.

Nilinaw naman ng senador na magpapatuloy ang kanyang kandidatura hanggang sa Mayo 9 bilang independent candidate.

“In the face of these recent developments, allow me to say, like a true-blooded warrior that I am all my life, I will continue this pursuit of my quest to serve my country and our people, as your Chief Executive—if God and the Filipino people will it, come May 9, 2022,” dagdag ng senador.

Iginiit ng senador na wala siyang inaatrasang laban at sanay siyang maging independent at katunayan, sa nangyari ngayon ay mas na-relieve siya kaysa nadismaya dahil magiging malaya na siyang gawin kung anuman ang nais niya sa kampanya.