KREDIBILIDAD NG 2022 POLLS PINATITIYAK SA COMELEC
PINAALALAHANAN ni Senador Christopher 'Bong' Go ang Commission on Elections na nakasalalay sa kredibilidad ng 2022 elections ang takbo ng pamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.
PINAALALAHANAN ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Commission on Elections na nakasalalay sa kredibilidad ng 2022 elections ang takbo ng pamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.
Binigyang-diin ni Go na trabaho ng poll body na tiyakin ang pairalin ang tama at ang kredibilidad ng halalan.
“Trabaho nila ‘yan. Tuwing eleksiyon lang po ang trabaho ng Comelec, so dapat siguraduhin n’yo na walang magiging kapalpakan diyan dahil nakataya dito ang tiwala ng sambayanang Pilipino,” pahayag ni Go.
Iginiit ni Go na seryosong alegasyon ang sinasabing security breach sa sistema ng Smartmatic kaya dapat itong imbestigahan at mailabas ang katotohanan.
“Alam n’yo, kredibilidad po ng eleksiyon ang nakataya rito. Will of the people, respetuhin natin kung ano ang magiging outcome. Dapat credible po ang eleksiyon na ito dahil nakasalalay po ang susunod na anim na taon dito sa eleksiyon na ito. Kung sino po ang mamumuno dapat 100% ang tiwala ng taumbayan dahil dapat credible po ang eleksiyon,” dagdag ng senador.
Muli namang nakiusap ang mambabatas sa susunod na lider ng bansa na ituloy ang magagandang programa ng Duterte administration na malaki ang naitutulong sa mahihirap.
Tinukoy niya ang ‘Build Build Build‘ Program, gayundin ang Malasakit Centers at ang kampanya kontra droga, kriminalidad at katiwalian.