JINGGOY TATANGKAING MAGBALIK-SENADO; GUTOC SASABAK ULIT SA SENATORIAL ELECTION
SA IKATLONG araw ng paghahain ng certificate of candidacy, naidagdag sa mga kilalang personalidad na nais kumandidato si dating Senador Jinggoy Estrada.
SA IKATLONG araw ng paghahain ng certificate of candidacy, naidagdag sa mga kilalang personalidad na nais kumandidato si dating Senador Jinggoy Estrada.
Naghain si Estrada ng kandidatura para sa senatorial election sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino Party.
Sa kanyang speech, sinabi ni Estrada na umaasa siyang kapwa sila mananalo ng kapatid na si dating Senador Joseph Victor Ejercito.
Samantala, naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy ang Marawi civic leader na si Samira Gutoc para sa Senatorial election.
Si Gutoc na datinng miyembro ng Otso Diretso ay kakandidato sa ilalim ng Aksyon Demokratito na pinamumunuan ni Manila Mayor Isko Moreno.
Bukod kina Estrada at Gutoc, naidagdag sa talaan ng mga kakandidato bilang senador sina Najar ‘Jinggoy Adang’ Salih at Luz Aquino.
Samantala, naghain naman ng kandidatura sa pagka-pangulo ang isang Tiburcio Marcos
Sa hanay ng partylist, naghain na rin ng kandidatura ang ABONO, 1-UTAP, Voice Philippines, Patrol, 1-SIKAP, Act As One, Ilocano Defenders, Parents Teachers Alliance at 4Ps o Progresibong Pagtutulungan sa Pag-unad ng Pilipinas.