F2F PRESIDENTIAL DEBATES SUPORTADO NG MGA SENADOR
SA GITNA ng patuloy na paglaban ng bansa kontra Covid19, nais pa rin ng mga senador ang face-to-face debate sa pagitan ng mga presidential candidate para sa May 2022 national elections.
SA GITNA ng patuloy na paglaban ng bansa kontra Covid19, nais pa rin ng mga senador ang face-to-face debate sa pagitan ng mga presidential candidate para sa May 2022 national elections.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaring gawin ang face-to-face debate kasabay ng pagpapatupad ng safety protocols.
Sa gitna ito ng plano ng Commission on Elections na gawing online ang presidential debates.
Sinabi ni Drilon na sa online debate, may posibilidad ng ‘coaching’ kaya naman mawawalan ng kredibilidad ang aktibidad upang masuri ang kakayahan ng mga kandidato na pamunuan ang bansa sa susunod na anim na taon.
Sa panig naman ni Senator Aquilino Pimentel III, kung iko-cover naman ang debate ng TV, radio at maging ng social media ay mababawasan na rin ang physical distance.
Inirekomenda naman ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Senator Panfilo Lacson na mas makabubuting gawin itong hybrid sa halip na virtual.
“As we experience in our Senate hearings and even sessions, there are many limitations, not to mention technical problems pag virtual or online ang debate,” paliwanag ni Lacson.
“For one, iba pa rin ‘yung physically engaged ang mga kandidato lalo na sa isang debate na inaabangan ng mga Pilipino para makilatis nila nang husto kung sino ba ang iboboto nila upang mamuno sa bansa, kasama na ang demeanor o kilos ng bawat presidential candidate,” dagdag pa ni Lacson.