KabataanSaHalalan

ESCUDERO NAIS DAGDAGAN ANG MGA ABOGADO SA PAO

NAIS ni senatorial aspirant Francis ‘Chiz’ Escudero na madagdagan ang mga abogado sa Public Attorney's Office para maglingkod sa mga Pilipino.

/ 3 December 2021

NAIS ni senatorial aspirant Francis ‘Chiz’ Escudero na madagdagan ang mga abogado sa Public Attorney’s Office para maglingkod sa mga Pilipino.

Ayon kay Escudero, hindi sapat ang bilang ng mga abogado sa PAO para maglingkod sa mga indigent Filipino.

“Napakarami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng libreng abogado mula sa PAO. Dapat itong matugunan ng pamahalaan upang masiguradong mabilis na gumugulong ang hustisya,” ani Escudero.

Aabot lamang sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga public lawyer sa bansa at hindi, aniya, ito sapat.

Sinabi ni Escudero na nasa 5,300 na kliyente ang hinahawakan ng bawat abogado kada taon.

“Ngunit kung titingnan natin ang buong bilang, hindi ito sapat upang mas maraming mapaglingkuran nang epektibo ang mas nakararami nating mga kababayan na walang sapat na kakayahan na kumuha ng abogado o makapagkonsulta man lang,” ayon kay Escudero.

“This is too much too handle. Hindi naman mga superman at superwoman ang ating mga abogado sa PAO,” dagdag pa niya.