KabataanSaHalalan

DRUG WAR ITUTULOY NI LENI KAPAG NAGING PANGULO

NAKAHANDA si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na ipagpatuloy ang ilang proyektong nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nahalal siya sa 2022 elections.

/ 31 October 2021

NAKAHANDA si presidential aspirant Vice President Leni Robredo na ipagpatuloy ang ilang proyektong nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nahalal siya sa 2022 elections.

Kabilang dito ang ‘war on drugs’ ngunit binigyang-diin niya na hindi ito dapat nakatuon sa patayan.

“Ang paniniwala ko, ‘pag DDB (Dangerous Drugs Board) iyong umupo na chair, ang plano niya hindi lang patay, patay, patay. Ang plano niya talagang very comprehensive, heavy on prevention, heavy on rehabilitation,” sabi ni Robredo.

“Iyong sa atin kasi, nakita natin in the past five years na iyong drug war, kinonduct natin parang lahat lang siya heavy on enforcement — hindi ako doon naniniwala,” dagdag ng bise presidente.

Plano rin ni Robredo na ituloy ang ‘Build Build Build’ program ni Duterte.

Nakikipag-usap na rin si Robredo sa mga electric cooperative para sa pagpapaunlad ng transportasyon, pagsuporta sa mga jeepney driver at modernization program ng pamahalaan.