KabataanSaHalalan

DRUG TEST SA MGA KANDIDATO SUPORTADO NI ROBREDO

MULING ipinahayag ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang kanyang suporta sa pagsasagawa ng drug test sa mga kandidato sa 2022 elections.

/ 21 November 2021

MULING ipinahayag ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang kanyang suporta sa pagsasagawa ng drug test sa mga kandidato sa 2022 elections.

Ito ay makaraang isiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

“Pabor ako rito (drug testing) at dapat hindi siya nakaplano, dapat biglaan para hindi napapaghandaan. Papaano kasi natin malalabanan iyong droga kung wala tayong moral authority para labanan ito? Kailangan iyong tao magtiwala sa amin,” ani Robredo.

Aniya, hindi makapaglilingkod nang maayos ang isang kandidato kung gumagamit ito ng droga.

“Hindi natin malalabanan iyong korupsiyon kung ang nakaupo ay hindi malinis. Kaya kung lalabanan natin iyong droga, pinaka-
una dapat iyong nagko-call the shots ay malinis,” dagdag pa ni Robredo.

Pabor din dito ang iba pang presidential candidates tulad nina Ferndinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.