KabataanSaHalalan

DRUG TEST SA MGA KANDIDATO APRUB KAY ROBREDO, PACQUIAO

PABOR si presidential aspirant Senador Manny Pacquiao na isailalim sa drug test ang mga kandidato sa darating na eleksiyon.

/ 30 October 2021

PABOR si presidential aspirant Senador Manny Pacquiao na isailalim sa drug test ang mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Kasunod ito ng panukala ni media personality at senatorial candidate Raffy Tulfo sa Commission on Elections na i-drug test ang mga kandidato.

“Agree ako, dapat ipakita natin na malinis tayo, dapat bago mag-start ang campaigning dapat magpa-drug test kaming lahat,” pahayag ni Pacquiao.

Handa rin si Pacquiao sa face-to-face debate ng mga kandidato.

“Personal, face to face huwag online. Ano natatakot sila? Huwag ’yung online-online ka. Para magkaalaman… Maganda ’yung personal, ’wag ’yung online. Siyempre gusto nila ’yan, ‘Ah, si Manny Pacquiao ano kaya isagot niyan sa debate?’” anang senador.

Nagpahayag din ng kahandaan si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa drug test.

“Ako okay lang, ready ako anytime,” ayon kay Robredo.

“Hindi sa akin problema ‘yun. Kung ire-require, okay. Kasi maraming kuwento, so mas mabuti na clean slate kami,” dagdag pa niya.