KabataanSaHalalan

DISIPLINADONG KAMPANYA TINIYAK NG LACSON-SOTTO TANDEM

TINIYAK nina presidential bet Panfilo Lacson at running mate Vicente ‘Tito’ Sotto III na disiplinadong kampanya ang kanilang isasagawa sa 90-araw na campaign period para sa eleksiyon sa Mayo 9.

/ 9 February 2022

TINIYAK nina presidential bet Panfilo Lacson at running mate Vicente ‘Tito’ Sotto III na disiplinadong kampanya ang kanilang isasagawa sa 90-araw na campaign period para sa eleksiyon sa Mayo 9.

Sinabi nina Lacson at Sotto na sa lahat ng kanilang mga aktibidad ay susunod sila sa health protocols, lalo na sa physical distancing upang maiwasan ang hawaan ng Covid19.

Bukod sa ipagpapatuloy nilang mga konsultasyon, magsasagawa rin ang tandem ng pagbisita sa mga komunidad subalit iiwasan nila ang mga malalaking pagtitipon.

Umarangkada ang proclamation rally nina Lacson at Sotto sa Imus, Cavite na pinili para sa kickoff ng kampanya dahil dito ipinanganak ang presidential bet.

Nangako naman ang dalawa na susuportahan pa rin ang kanilang mga senatorial bet na dadalo sa aktibidad ng iba pang tandem.

Sinabi ng dalawa na kanila pa ring susuportahan ang mga senatorial candidate na kanilang inendorso ngunit hindi dumalo sa kanilang proclamation rally o sa ibang proclamation rally nagtungo.

Ayon kay Lacson, ang mahalaga ay walang inendorsong ibang presidential at vice presidential candidates ang isang senatorial bet.