KabataanSaHalalan

DEATH PENALTY IBINASURA NI ELEAZAR

/ 24 November 2021

HINDI pabor si senatorial aspirant at retired Philippine National Police chief Guillermo Eleazar sa muling pagbuhay sa death penalty.

Ayon kay Eleazar, tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng Lacson-Sotto tandem, mas makabubuting ‘pagandahin’ ang criminal justice system sa bansa.

“Unless we have a perfect system it’s better to acquit 10 guilty persons than to make suffer or convict one innocent man. Pinakamaganda pa rin pagandahin ang criminal justice natin,” wika ni Eleazar.

“Lagi nating nirerespeto ang buhay. I’m after ma-improve ang criminal justice sa atin. Para sa atin, ang mga criminal na nahuli agad, that is the best crime prevention,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Eleazar na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng mga drug addict sa bansa.

“We are guided by laws and protocols. At kung mayroong lapses na mangyayari, kailangang panagutan ‘yun…Nung ako ang chief ng PNP, ako mismo nag-initiate…aking sinimulan through the DOJ na maimbestigahan,” aniya.