‘BUILD BUILD BUILD’ NI DUTERTE ITUTULOY NI BBM
IPAGPAPATULOY ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang 'Build Build Build' program ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mahalal siyang bilang pangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.
IPAGPAPATULOY ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang ‘Build Build Build’ program ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mahalal siyang bilang pangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.
Ayon kay Marcos, palalawigin pa niya ang naturang programa.
“Atin ngang pinaplano at iniisip kung paano ipapaahon ang ekonomiya ng Pilipinas kung paano ipagpapatuloy ang ginawa ni President Rodrigo Duterte na ‘Build Build Build’ na palalakihin pa natin at pagbubutihin,” sabi ni Marcos.
Sinabi rin niya na isang “magandang simbolo” ang tandem nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Napakaganda ng pangyayari na ito dahil ang pagsasama ng isang Marcos at Duterte ay isang magandang simbolo ng pagkakaisa ng bansa. Ako from North at si Inday Sara from the South at nagkita dito sa Eastern Samar,” ani Marcos.
Libo-libong riders mula Ilocos region at ilang grupo mula Mindanao ang bumiyahe upang magtungo sa San Juanico bridge para ipakita ang suporta sa BBM-Sara tandem.