BONGBONG MARCOS SUSUPORTAHAN NG HUGPONG NG PAGBABAGO
NAKAHANDANG suportahan ng Hugpong ng Pagbabago ang presidential bid ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
NAKAHANDANG suportahan ng Hugpong ng Pagbabago ang presidential bid ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Ang among lang gistorya sa pagkakarun (is) how HNP in Davao region can help his bid for presidency,” wika ni Duterte-Carpio, founder ng HNP.
Kamakailan ay isiniwalat ng alkalde na nakipagkita siya kay Marcos ngunit hindi binanggit kung ano napag-usapan nilang dalawa.
“I cannot comment on that, but you can ask him since he is the one, who is a candidate for a national position,” anang presidential daughter.
Muli rin niyang iginiit na wala siyang balak na tumakbo sa pag-kapangulo.
“No, I don’t have plans to run for president,” aniya.