BONGBONG MARCOS HINDI AATRAS SA PRESIDENTIAL BID
TULOY ang laban ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kabila ng disqualification complaint na isinampa laban sa kanya.
TULOY ang laban ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kabila ng disqualification complaint na isinampa laban sa kanya.
“Hindi ako natatakot, hindi ako aatras. Hindi ako magwi-withdraw. Patuloy ang lahat ng aking gagawin. Hindi ako mag-slide down,” pahayag ni Marcos.
Ito ay matapos na maghain ng petisyon ang ilang grupo sa Commission on Elections para ipakansela ang kandidatura sa pag-kapangulo ng dating senador dahil sa tax evasion case noong 1995.
“Siguro kasama na rin ‘yan sa pagpolitika lalo na ‘yong aming mga kalaban, imbes na humarap sa eleksiyon. Kasi siguro natatakot sila sa numero, idi-disqualify na lang ako,” sabi ni Marcos.
“Patuloy lang ang aking kandidatura at sa aking mga supporters sa buong Pilipinas, nagpapasalamat naman ako na hindi nawawala ang inyong tiwala sa akin.”
Samantala, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, na “predictable nuisance” ang ginawang paghain ng petisyon sa Comelec.