KabataanSaHalalan

BISE PRESIDENTE, HINDI TATRATUHING RESERBA NG LACSON PRESIDENCY

TUTULDUKAN ni presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson ang taguring 'pangreserba lang' sa bise presidente ng bansa sa sandaling ang tandem nila ni Senate President Vicente Sotto III ang mahalal sa darating na eleksiyon.

/ 26 November 2021

TUTULDUKAN ni presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson ang taguring ‘pangreserba lang’ sa bise presidente ng bansa sa sandaling ang tandem nila ni Senate President Vicente Sotto III ang mahalal sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Lacson na may usapan na sila ni Sotto na sabay nilang pangangasiwaan ang bansa kung kapwa manalo bilang presidente at bise presidente.

“May usapan na kami na kapag kami ay na-block voting, we will observe a Council of Two, we will always consult with each other para sa bayan. Mainam na laging magkasundo ang president and vice president,” pahayag ni Lacson.

Sinang-ayunan ito ni Sotto at sinabing mareresolba ang problema ng bansa sa pananalapi sa ilalim ng Lacson administration.

“Imagine if Senator Ping is elected president and executes the budget he has watched for over 18 years? Ang laki ng ginhawa ng mga kababayan natin. Eto na ang sagot sa mga problema natin sa pera,” ani Sotto.

Ayon pa kay Lacson, kahit na sa magiging relasyon ng ehekutibo sa lehislatura ay tiyak na nasa unahan sila kumpara sa ibang mga kumakandidato.

“Diyan kami medyo lamang, lalo na si SP. Never kong na-experience mula noong maupo ako sa Senate na ni minsan hindi na-threaten ma-kudeta ang Senate President,” paliwanag ni Lacson patungkol kay Sotto bilang pangulo ng Senado.

“Mas kabisado niya more than I do, he knows more than anybody how to maintain that relationship with the legislative without being too cocky or mamuwersa,” sabi pa ni Lacson.